25th Anniversary Philippines Postal Corporation Provident Fund Office

Ngayong taong ito ay ipinagdiriwang ng PhlPost –Provident Fund Office ang  kanyang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag. Bilang pagdiriwang at paggunita sa ating anibersaryo, nagkaroon ng misa ng pasasalamat para sa ating patuloy na pag unlad. Nagsagawa rin tayo ng isang maikling programa para sa ating mga kasapi, nagkaroon ng mga paraffle di lamang sa mga aktibong kasapi pati na rin sa mga dumalo sa ating programa.

Ang pagdiriwang na ito ay itinuturing nating pinakamakasaysayan sa lahat sapagkat isinabay  ang paglulunsad ng kauna-unahang PhlPost-Provident Fund Office “commemorative cover” at “personalized stamp” na dinaluhan ng ating Kagalang-galang na Postmaster General, Joel L. Otarra. Naroon din ang ating Board of Trustees na pinangungunahan ng ating Taga-Pangulo, Gilbert B. Javier. Kasama rin sina APMG Maura Baghari-Regis, APMG Luis Dela Cruz at Mr. Diosdado De Guzman. Sila ay nagbigay ng mga mensahe para sa ating mga kasapi at nagpasalamat sa patuloy na pagsuporta ng lahat.

For Inspirations, Special Offers and Much More

ADDRESS

Philpost Provident Fund Office 4th Flr. Manila Central Post Office Building, Liwasang Bonifacio, Manila

CONTACT

(02) 255-2018 ; 527-00-60 / (02) 256-1233
Copyright © 2015. Philippine Postal Corporation, Provident Fund Office. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!